Sunday, August 29, 2004
ngayon ay kaarawan ng aking pinsan..
ang lahat ay masaya at nagpugay sa kanyang masayang kaarawan..
madaming nakalatag sa lamesa na kung anu-anong pagkain..
merong pansit.. meron kare-kare.. meron piriritong manok..
may sorbetes... may keyk... may sarsa parilya at marami pang iba..
ako'y nagtungo sa simbahan muna upang magmisa bago ako dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng kuya kong pogi... hehe
nagbago na pala ngayon ang simbahan namin...
meron nang tumatalamsik na tubig galing sa itaas upang maibsan ang aming
init na nararamdaman...
sa una.. nagunita ko... ano ireng mga tubig na ire...
heheh at sinabi ng pinsan kong si che che na mapayat na ngayon..
"nuka ba te maling... ngayon mo lang nakita yan? pampapresko yan"
and i was "uhh.. ok!" then giggle... hahah
ooops.. im suppose to type tagalog words..
ulit ulit!! "aaaah..." at ako'y napahalinghing... hahaha
matapos ang misa... lahat kami'y lumabas at sumakay sa jeep pauwi..
madami kami... ngunit bago ang lahat... uminom pa pala ang mga kasama ko ng sago sa labas ng simbahan.. hehe
at nga pala... heheh habag nagbibigay ng kapayapaan ang bawat isa sa loob ng simbahan.. tinanguan ang tiya ellen ko nung isang lalakeng nde kilala...
at biglang humagikgik na sa tawa ang tiyahin ko...
hinde ko maubos maisip kung bakit bigla na lang sha napahagikgik...
at napayakap pa sakin sa sobrang tuwa... hahahah
o mabalik tayo sa masayang pagdiriwang...
kumain ako ng tinola at kare-kare at priritong manok..
shempre nde mawawala ang kanin..
nde ako mashado nakakain ng keyk dahil ubod sha ng tamis...
nde ako nakatikim ng sorbetes.. ewan ba bakit hinde ako kumuha..
errr...
umawit ng umawit ang lahat..
at ako'y kawawa sa isang tabi't nakatikom ang bibig...
hahah hilig ko ang pagkanta ngunit ako'y hindi nabiyayaan
ng kaaya-ayang boses...
kinalulungkot ko ang lahat..
pero sabi ng aking inay.. pagsasanay lang daw ang kailangan para makamit ang boses na mapagpapatibok ng puso ng bawat tao na makarinig
hahaha
matalinghaga bang mashado ang nasasaad ko sa ngayon gabi?!
sa tingin ko ito'y isa lang sa mga walang kalatoy latoy at walang katuturan kong artikulo..
errr

matalinghaga -- meaningful dba?! hahah nalito naman daw ako.. errrrr

im tired... and im not really makata... heheh
nahirapan ako sa bawat salitang aking nabitawan sa ngayon araw na ito..
wala akong litrato na ma-ibabahagi ngayon..
dahil mabagal daw mashado ang pagbukas ng aking sayt kaya lilimitahan ko na ng konti..
ngunit ito'y photoblog?! paano na ngayon?!
eheheh
il do what i want..
il still post pix here... hahaha


tatah!!

magandang gabi sa lahat...
mabuhay ang pelikulang pilipino...
haha

^_^


|maling| 12:04 PM|



+++++ |


i am malingcutiesmoochie
i am nocturnal
i am insane
i love crazy pictures
and i love john lennon
mwahihihihi
email
ichinomi.blogspot.com Free Web Counter
Free Hit Counter
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
am i really autistic?!
whats wit a photoblog!?
this is way too boring..
i love you john lennon... hahaha